Monday, February 1, 2010

Kalayaan

Naglalakad sa kahabaan ng
Kalayaan ng biglang pumasok sa isip kong
Wala ka na...

Nag iisa at hindi alam
Kung san pupunta
hinahatak na lang ng iyong nakaraan...

Hinayaan na lang
Wala na bang paki-alam
Ngayon ako'y isang sugnay
Na kailan ma'y di makapag-iisa

Malaya na ba ako?
Malaya na ba sa'yo?

Malaya nga ba ako?
Malaya nga ba sa'yo?

Malaya pa ba ako?
Malaya pa ba sa'yo?


Nasobrahan o
Sadyang sapat lang ba?

-- I wrote this while walking the stretch of Kalayaan Ave. in diliman and thoughts of my frustrations about Freedom that a lot of people either take for granted or just ABUSE crept up my brain. It is unfinished but oh well.